Ako ay lubhang nabighani sa bilis ng iyong pagsagot sa aking inilathalang liham. Ako ay hindi nagagalit sa iyo at marahil ay ganoon ka rin sa akin at ang ganitong usapin ay isa lamang pagpapalitan ng intelehenteng kuro kuro na magbubukas ng maraming kaalaman at kasagutan sa bawat katanungan, gaya ng pagsisimula ng bukang liwayway sa isang halamang sa araw ay naghihintay.
a. "nais ko lang ituwid ang maling paniniwala mo na ako ay may hinanaing sa serbisyo ng Uber at Grab car dahil wala akong hinanaing sa kanila ang hinanaing ko ay sa Gobyerno at sa hindi pantay na application ng batas, patakaran at mga alituntunin na ipinaiiral sa hanay ng transportasyon at serbisyo publico."
Hindi po totoo na wala kayong hinaing sa Uber at Grab ginoo, sa pag-aaral ko po ng cognitive psychology, mayroon po tayong tinatawag na "cognitive bias" and "unconscious thoughts". Nang tawagin mong "colorum" ang Uber at Grab, yun po ay hinaing mo sa pagsibol ng isang negosyo na direktang kalaban ng iyong negosyo, ang Grab at Uber. Baka hindi ninyo po namamalayan, kaya nga po tinatawag itong "unconscious". Huwag po kayong mag-alala sapagkat iyan ay isang "BASIC instinct". Ang isang negosyante sa kahit saang lugar at anumang larangan, kung sumibol man ang isang negosyo na direktang makikipagtunggali sa kanyang negosyo ay hindi naman gobyerno agad ang sinisisi. Ang pagkabalisa at hinaing ay una sa katunggali, marahil pangalawa sa gobyerno kung nais mong ipaglaban ang iyong karapatan kung sa tingin mo ay hindi naaayon sa batas ang kanyang operasyon.
b. " Dahil ayaw ko na magkaroon ng kaguluhan nilabas ko ang aking hinanaing sa gobyerno na dapat kung mayroong regulation na gumagabay sa hanay ng transportation, dapat lahat sumunod at hindi magkaroon ng exception, kagaya ng sinabi ni dating mayor Lim "THE LAW SHOULD APPLY TO ALL OR NONE AT ALL". Sadly, wala sa kamay ko ang paggawa ng batas ukol dito gaya ng iyong maling paniniwala ng sinulat mo "Ito ang epekto ng bilis ng paggalaw ng teknolohiya kontra sa kupad ng paggalaw ng batas na sa katotohanan ay nakasalalay sa iyong kamay".
Ukol naman po sa hinaing na "HINDI PANTAY NA APLIKASYON NG BATAS"... lahat po tayo ay bumabaka diyan subalit kung sa ngayon po na mismong kataas taasang hukuman ay nagbibigay ng "bail" sa isang non-bailable offense, ano ang pag-asa natin sa pakikibakang iyan? Sa transport sector pa kaya ito maisagawa o kahit saan pa man? Kung ang pag-uusapan ay RULE of LAW.. may exemption naman pala kung gugustuhin at nakakalungkot.
Naniniwala ako sa regulasyon ginoong Suntay sapagkat kailangan ng kaayusan. Hindi nga po ba ay may klasipikasyon na ngayon ang LTFRB para sa mga Transportation Network Companies. Hindi po ba ngayon ay may mga kailangan na silang alituntuning sundin at mga dapat bayarang halaga at kung hindi ay maaaring mahuli at magmulta? Kailangan na rin po nila magparehistro sa BIR. Ito na po ang regulasyon na inyong hinihintay.
Kung inyo pong babasahin ang blog ko, hindi ko po sinabing nasa IYONG kamay..kundi nasa inyong mga kamay bilang mga politiko ang paggalaw ng batas. Hindi naman po nasa kongreso lamang ang kapangyarihan ng paggawa ng batas, ang tricycle po ba ay sakop ng LTFRB o local government? Ang mga nasa lokal na pamahalaan ay gumagawa ng ordinansa, batas din po iyan. At hindi po ba kayo magiging kongresista sa hinaharap na panahon ginoong Suntay? Ang akin pong sinabi ay isang general and collective principle (local and national government) hindi ko po sinasabi specifically sa inyo.
c. "Hindi ko kalaban ang Uber or Grab car gaya ng gusto mo palabasin, I have always been consistent in my statements that "we welcome competition, but it needs to be a fair competition"
Hindi ko po kailangan yan palabasin dahil ang aksyon ay nagsasaysay ng higit sa bibig. Ibabalik ko ang usapin sa psikolohiya ginoo, babalik tayo sa "COGNITIVE BIAS"...hindi po kaya nagkakaron kayo ngayon ng tinatawag na "COGNITIVE DISSONANCE"? Na kung saan ang inyong ginagawang aksyon ay taliwas sa inyong pinaniniwalaang prinsipyo? Ang competition po ay isang paglalaban, hindi kailangang maging marahas o mapanupil subalit kapag po tinawag mo ang isang bagay na KOMPETISYON.. dapat may matalo at manalo!.Saang kompetisyon nagkaroon na ang isang manlalaro ang hangad nya ay pareho silang panalo? Huwag po ninyong lituhin ang sarili ninyo, KALABAN NINYO ANG UBER at GRAB. Ang inyo pong pahayag ay taliwas sa lohika, at realidad.
Ukol naman sa fair competition, sa tingin ko po ay nasagot ko na sa taas iyan dahil sabi ko nga, ngayon ay may mga regulasyon at bayarin na kailangan ng tupdin ang mga gustong sumabak sa TNC business ayon sa mandato ng LTFRB. Ang regulasyon ay nariyan na at kailangan maipatupad.
d. "Salamt sa iyong suhestyon, maganda pa naman at kumikita pa ang kumpanya ko pero salamat na rin sa suhestyon, maganda ang tunog ng Basic Tapsi, pagaaralan ko kung pano magluto nito at kung ito ay lalabas na masarap, sana maging customer kita sa tindahan na ito."
Ito ang pinakagusto ko sa lahat Konsehal! Sinisiguro ko sa iyo na ako ang kauna unahang pipila sa kainang iyan. Dali't bilisan mong iparehistro sa DTI o IPO at baka maunahan ka sa "trademark". Huwag mo nang alalahanin ang paggawa dahil kaya kitang ipagtimpla ng ng isang orihinal na "recipe", seryoso ako ginoo.
Di po bat regulated na si uber at grab? Dami requirements para makakuha ng PA next na is Bir. Anung hndi patas pa dun? Surge daw pambawi ni uber, totoo b un? E bhira naman magsurge. Hndi naman enough yung mga surge na un pambawi ni uber sa napakadaming prom0 nito para makamura sa pasahe ang mga kuripot na mamamayan pero nakasump0ng ng MALINIS 99-100%, (taxi? -ilang% ang mabantot)MAGAGALANG, SAFER, ORIENTED DRIVERS(di nadura nang may sakay, hindi pumapalo sa manibela pag trapik o parang butiki na panay ang "TSK")
ReplyDeleteHindi nya gayahin yung isang malaking tao, instead na magreklam0 ng sagaran, inilipat nya na lang fr0m ordinary taxi to grab ung focus nya. Di ko mawatasan act ni kgg. councilor. Bkt hindi na lang isun0d ang batas pababa sa level ng TNC kaysa isun0d sa taxi na...auko na ituloy dhl malalait k0 lang ito ng husto.
O, ayan sabi ni Ltfrb chairman, gs2 nyo(taxi) ng patas na laban? E di iangat nyo din kalidad ng taxi nyo!!!!!
ReplyDeleteA) hindi lang si bong suntay ang may hinaing sa gobyerno. Tulad ng ibang mga negosyo na sumunod sa lahat ng mga hakbang na ayon sa batas, maraming maaapektohan dahil sa hindi patas na pag trato/pagpatupad ng mga regulasyon. Ihambing natin sa isang mumumting grocery na rehistrado, sumusunod sa batas, nagbabayad ng buwis, at sumusunod sa iba pang regulasyon o batas, na matagal nag bigay ng serbisyo sa taong bayan at hirap magbigay ng mas magandang serbisyo dahil sa sangkatutak ng pahirap ng ating gobyerno. Bigla naman may tatabi na isang malaking grocery ngunit nag nenegosyo ng walang mga kaukulang papeles o legal na permiso upang mag negosyo. Pinayagan ng ating gobyero na ito, maliban sa ideya na sila ay isang/mga kumpanya na hindi pag aari ng Pilipino, ay sinuportahan ng walang utang na loob nating gobyero. Sabi ng mga kongresista, dapat natin protektahan ang mga lokal ng negosyo na nagbabayad ng buwis. Pero si uber at grab ay hinayaan lamang dati.
ReplyDeletePero tama kayo...sa wakas ay nagkaroon narin ng regulasyon sa tnc. Pero hindi rin naman bago itong hinaing...para lamang sa kaalaman ng marami, dati pa may nanunumbong ng colorum...ano na ba ginawa ng ating gobyero upang maalis na ito? Dami ng colorum, wala naman hinuhuli diba. Yan ang isang napakasakit na katotohanan.
Sa bagay...naalis na colorum na taxi sa kalye...mga operator nito ay lumipat ng sa uber or grab.
O diba nag anunsyo na may manghuhuli na ng colorum? Uber, grab, o iba pang uri ng colorum...kahit jeep colorum ay hindi nila maalis sa kalye. Parte din yan sa mga hinaing sa gobyerno.
B. Alam nyo po ba na wala na bukas ng prankisa sa ltfrb? Bakit naman kaya bigla pinayagan ito? Dahil sa pangangailangan ng sasakyan pampubliko? Ang kailangam natin ay mass transport system. Yan ang dapat tutukan ng gobyerno.
ReplyDeleteAlam nyo po ba na ang sale and transfer ng franchise na pinapaayos sa ltfrb ay inaabot ng mahigit isang taon? Pero ang tnc, pag apply ay 45 days na may PA na agad para hindi maabala. Ang dropping at sustitution ng unit naman ay 3-6months processing. D hamak na ang mga requirements para sa taxi ay mas mahigpit kaysa sa tnc/tnv. E kung mag luwag kaya gobyerno katulad ng ginawa nila sa tnc/tnv, hindi ba gaganda ang serbisyo? Mga unit ay mabilis palitan. Makakapag hanap buhay agad at makakapagbigay ng serbisyo sa publiko. Halombawa...
May 10 unit na bagong vios...hinuhulugan sa banko ng humigit kumulang15k kada buwan...mag aantay ng isang taon upang ma sale and transfer with dropping and suabstitution. Napaka lupit na pahirap sa taxi operator
C. Para sa inyong kaalaman...pinaka unang sumuporta sa grab ay mga taxi operator. Ito ay isang halimbawa ng pag tanggap sa bagong teknolohiya.
D. No comment dahil walang kwenta.
I believe you are a TAXI OPERATOR with your tone.. "unang sumuporta sa grab ang taxi operators" -- yes. until they introduced GRABCAR to compete with UBER. So I commend 24/7 Taxi services for being dynamic because they also operate cars for GrabCar..Siguro naniniwala ang may-ari sa kasabihang "If you can't beat them, join them.."..
DeleteSa perspektibo naming mga mananakay, kami ay tatangkilik sa kung saan may katumbas na serbisyo ang aming ibinabayad.. Nag-tataxi parin depende sa sitwasyon. Para sa amin, mas maigi ang competition sapagkat nagkakaroon kami ng options. Ngayon sa inyong pagnenegosyo, kayo ang sosolusyon sa inyong suliranin sa gobyerno at internal business structure and marketing.
Yung sinasabi mong walang kwenta, obviously hindi mo alam ang SENSE OF HUMOR. Ang blog na ito ay may sariling estilo sa paglalathala, kung gusto mo ng seryosong usapin, pumunta ka at magbasa sa ibang blog. Marahil baka mapadpad ka rin sa mga "satirical blogs" at baka hindi mo madistinguish ang fact at fallacy.
Ano ba hinanaing ng mga operator na yan?Ang 24/7 taxi at Basic taxi ang daming unit na.pinapasok sa Grab..kawawa kawawa pa kunyari..karamihan ng tumatakbo.ngayon sa grab at uber mga unit ng mga taxi operator..kasama yang Suntay na yan. Pano nman papahinain.ng mga private individual ng nagdrdrive ng sariling kotse mga taxi?Ano laban nila sa diskarte at kaalaman sa daan. Ang panalo lang naman nila eh maayos sila sa mga pasahero..at walang anghit.., =)
ReplyDelete