Para sa iyo Councilor Suntay,
Naiintindihan ko ang iyong hinaing laban sa serbisyo ng Uber at GrabCar na sa kasalukuyan ay patuloy na lumalaki at lumalawak. Ito ang epekto ng bilis ng paggalaw ng teknolohiya kontra sa kupad ng paggalaw ng batas na sa katotohanan ay nakasalalay sa kamay ninyong mga nasa politika. Realistically, iba talaga ang isip ng mga "creative tech geniuses" sa isip ng mga "passive lawmakers". Lagi at lagi kayong mauunahan!
Ikaw, bilang isang operator ng isa sa pinakamalaking "taxi fleets" sa bansa ay naiintindihan ko din ang hinaing mo laban sa mga ganitong serbisyo dahil ang mga ito ay kalaban mo sa negosyo hindi dahil sa nagmamalasakit ka sa traffic o sa publiko. Ngayon ay nagkaroon kaming mga commuters ng isang napakagandang pagkakataon upang masiguro naming maayos at ligtas ang aming mga pagbyahe sa araw araw at nahanap namin ito sa TNVS o Transport Network Vehicle Service na gaya ng Uber at GrabCar.
Ito ang ilan sa mga suliranin namin sa inyong industriya:
1. DEDMADELA - Oo, kapag traffic at umuulan at para kaming mga basang sisiw sa lansangan, heto ang mga taxi drivers na bagama't walang laman ay ayaw kami pasakayin dahil traffic daw doon, malayo daw doon walang pasahero pabalik, in short DEDMA!. Ilang beses kang papara at sa ika-20 ka pa makakasakay kung swerte kang makakuha ng taxi driver na may puso para sa mga mananakay.
2. KONTRATAHAN - Alam mo, sa TNCs may mga promos kami na napapakinabangan. Less P50, less P100, less P200. Sa inyo ang promo Plus P50, plus P100, plus P200. Subukan ninyong mga operators kayang babaan ang "boundary" niyo sa drivers o subukan ninyong bumyahe mismo ng 24 oras para malaman nyong hindi sapat ang kita nilang 1000-1200 sa 24 oras na sa kinabukasan ay wala naman silang byahe dahil may relyebo.
3. KALIGTASAN - Hindi pa pagpunta sa langit ang tinutukoy ko. Yun bang kaligtasan namin laban sa mga kriminal na mga nagmamaneho ng taxi. Bakit may ganyan? Dahil wala na yata kayong pakialam kung sino sino ang pumapasok sa inyo, basta may anyong tao, pwede na! Ilang kaso na ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw ang lumabas sa balita na sangkot ang TAXI? Sa kabilang banda, mga taxi drivers ay pinapatay at ninanakawan din dahil kahit sino pwedeng sumakay na bagama't hindi imposible ay mahirap mangyari sa gaya ng Uber kung saan ang isang pasahero ay may pagkakakilanlan dahil sa impormasyon ng credit card namin na nasa database. Nakikita rin namin sa "app" kung sino ang driver, ang kanyang larawan at plate number na pwede naming i-share sa social media sa isang pindot sa "app".
4, AUTO MALTRATADO - Susginoo, kung hindi mabaho, may yupi sa bangga, amoy paa at marami pang iba. Maraming taxi units ang hindi mo na gustong sakyan sapagkat animo'y kotseng pasasabugin na lamang sa pelikula! Sa Uber at Grab pwede kang dumating sa isang party "in style" at ito ay gustong gusto ng mga nagyayaman yamanan. Sa taxi hindi mo pwedeng gawin iyan lalo na't bulok.
Wala ka ng magagawa sa pagtakbo ng teknolohiya at panahon. Tapos na ang panahon ng monopolyo at kami, bilang mga mananakay ang sa huli ay magdedesisyon kung ano ang aming tatangkilikin. Subukan mong MAG-ISIP naman ng solusyon upang i-angat ang inyong industriya. Hindi naman kulang ang mananakay ng taxi, ang totoo kung nasa lansangan ka gaya namin, ay mapapansing napakahaba parin ng pila ng mga tao sa mga taxi bay sa malls subalit walang taxi na pumipila, bakit? Dahil hindi sila makakatanggi sa destinasyon! Napapagod na kami sa pakaway kaway sa daan. Gaya kami ng mga artistang laos na kumakaway sa hangin ay wala mang taxi na pumapansin. Sa Uber, isang tap lang sa smartphone, ayan na ang driver - nakangiti, magalang, higit sa lahat -- maayos na sasakyan!
May suhestiyon ako sa iyo councilor......
Bakit hindi mo subukan ang FOOD INDUSTRY? Ito at ginawan na kita ng pangalan kung sakali, "at no extra cost"..
Pwede mo iyang ipa-franchise at diyan, kahit mga kalaban mo sa taxi business ay kakain sa iyo, pati mga taga Uber at Grab.. pati kami! Ganyan ang pag-iisip councilor...at yan ay ibinibigay ko sayo ng libre sa araw na ito!!


Nice one :) i hope he reads this.. :)
ReplyDeleteOfficial response of Bong Suntay
ReplyDeletehttp://nik-1113.livejournal.com/
Hahaha! May sagot agad! :):)
ReplyDeleteMay pa official response pang nalalaman. Wala namang solusyong inihain kungdi eksplanasyon lang kung bakit ganun ang estado ng taxi industry. Example, ipipilit na 2 beses nagchecheck ang ang LTFRB sa mga taxi para malaman kung nasa kundisyon o maayos ang itsura. Hindi ka na lalayo, pumunta ka sa mga pinipilahan ng taxi sa mga malls at magsample ka ng 100 taxis nang makita mo na wala pa sa kalahati ang mga maayos na taxi (may bangga, sira ang aircon, atbp). Not to mention the malpractice of not giving exact change among many others. Ibibida mo association mo ng taxi operators eh wala nga kayong nagawa para maiangat ang antas ng taxi service. Mahirap makipagtalastasan sa bulag. Naturingan pa namang public servant. Dapat mas nakikita mo yan. Bakit di mo subukang maging mystery taxi rider for a week nang magising ka sa katotohanan. Maging accountable ka dapat. Hundi defensive. Masyado kang guilty. If you're not part of the solution then it just means you are part of the problem. Ikaw na!
ReplyDeleteIt's my honor to have been given an "official response". Hahaha. Ang alam ko kasi ang binibigyan lang ng ganyang mga sagot ay yung may impluwensya rin at may "say" sa industriya, media, negocio, etc.
DeleteMay hinaing si Suntay..eh ang dami niya nga ipinasok na unit sa Grabcar..plastic na buwaya..ask any.Grab driver about it...common knowledge na yan na ang mga taxi operator pinapasok na rin Grab..dala dala mga.manyakis, mabaho,bastos,contratistang driver nila..tsk..well hindi naman lahat..karamihan lang sa kanila..
ReplyDeleteSilipin nila ang sabwatan (malamang kasabwat siya) sa mga UV express. Simula appari hanggang jolo puro generals majors and kamag anak nila nakikinabang sa hanap buhay nang UV. Mga carnap vehicles napapagana nila sa probinsiya. Mga Titi nyo may asin
ReplyDelete